Plastic Recycling Program inilunsad ng Valenzuela City
INILUNSAD ng Valenzuela City Government ang “May Balik sa Plastik” na kauna-unahang citywide residual waste collection program na naglalayong mag-recycle at mabawasan ang mga basurang plastik at mga karton na nakaimbak sa Valenzuela landfill.
Katuwang ng city government ng Valenzuela ang Nestlé Philippines, Department of Education (DepEd) at Green Antz Builders, Inc., kasama ang Sangguniang Kabataan Federation, Liga ng mga Barangay, City Street Sweepers, public school students, teachers at mga magulang na nagkaisa para maisulong ang kalinisan sa lungsod na ginanap sa Valenzuela People’s Park Amphitheater, Lunes ng umaga.
Ayon kay Kais Marzouki, Nestlé chairman and CEO, malaki ang kanilang naging commitment para sa waste management dahil alam nilang istrikto ang Valenzuela City pagdating sa waste segregation system na kung saan mayroon din silang mga model schools na nag-eenganyo at nagbibigay ng magandang halimbawa pagdating sa plastic recycling at environmental awareness.
Ibinida naman ni Mayor Rex Gatchalian ang programa na magbibigay ng aral sa mga kabataan na ilagay sa nararapat ang mga plastic wastes at hindi ang pag-ban ng plastics kundi dapat na i-recycle ito at muling gamitin.